State of calamity pinadedeklara sa mga bayang tinamaan ng El Niño

Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga bayan sa Oriental Mindoro na magdeklara ng state of calamity bunsod ng matinding epekto ng El Niño.

Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) ang mga bayan sa Oriental Mindoro na magdeklara ng state of calamity bunsod ng matinding epekto ng El Niño.

Ayon sa DA, ang pagtataas ng state of calamity ang magtutulak sa pamahalaan na maglabas ng karampatang pondo upang tulungan ang mga bayang nagdurusa dahil sa El Niño.

“Due to the worsening situation, Sec. Tiu Laurel appealed to local government units across Mindoro to officially declare a state of calamity if warranted,” saad sa pahayag ng ahensya.

“Such a declaration would enable DA to extend comprehensive assistance to affected communities, including financial aid, agricultural inputs like crop seeds, and livestock,” dagdag pa nito.

Sa bayan ng Bulalacao, pumalo na sa P65 milyon ang halaga ng pinsala sa mga pananim na sibuyas, habang P27 milyon naman sa palay.

Bukod sa Bulalacao, lubha ring napinsala ng El Niño ang bayan ng Mansalay.

Isang buwan na umanong walang ulan sa lalawigan kaya maging mga ilog na pinagkukunan ng tubig ay natuyo na.