Starlet na pinalit kay Eva Darren sa FAMAS hosting, bayolente, may attitude!

Inulan ng batikos ang GMA Artist na si Sheena Lee Lapad, ang artistang pumali bilang host kay Eva Darren sa FAMAS Awards, matapos sapukin ang co-contestant sa 'Beat My Birit'.

Inulan ng batikos ang GMA Artist na si Sheena Lee Lapad, ang artistang pumali bilang host kay Eva Darren sa FAMAS Awards, matapos sapukin ang co-contestant sa ‘Beat My Birit’.

Nag-sorry naman ang aktres sa mga netizens at sinabing “choreographed” ang programa.

“I would like to say sorry for disappointing you with my actions kanina sa ‘Beat My Birit’,” sabi ni Palad sa isang Facebook group ng kanyang mga fans.

Tinawag si Palad na bayolente manabunot na siya namang pabirong sinagot ng, “Choreographed ‘yun, Kuya!”

“Masyadong mga OA mga nakapanood. In character lang naman si Miss Sheena Lee puro na bash inaabot na tuloy,” depensa ng kanyang fans.

Si Palad ang “young artist” na pinalit kay Eva Darren bilang presenter na naging kontrobersiya sa 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) noong nakaraang buwan.

Unang nakilala si Palad bilang grand finalist sa “Bida Next” show sa Eat Bulaga. Siya ang sister-in-law ng artistang si Donita Rose.

PANOORIN: