‘Stalwart defenders’: Tulong at suporta sa Scout Rangers, kasado na—PBBM

Pinapurihan rin ni Marcos ang FSSR dahil sa pagiging “stalwart defenders” nito sa bansa nitong nakalipas na pitong dekada.

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na susuportahan at tutulungan ng pamahalaan ang First Scout Ranger Regiment (FSSR) upang mapabuti pa at madagdagan ang kapasidad nito.

“To this end, the Department of National Defense will review the Scout Rangers’ capability requirements and pursue options that will enhance our operational capability and effectiveness to achieve the desired defense objectives,” sabi ng pangulo sa kaniyang talumpati sa ika-73 selebrasyon ng founding anniversary ng FSSR sa Camp Tecson sa Bulacan.

Ibibigay naman ng pamahalaan ang mga kailangan ng FSSR batay na rin sa resulta ng pagbusisi sa mga capability requirements nito.

“By providing the necessary resources and support, we will enable the Scout Rangers, including our special forces units, to support the armed forces as it transforms into a stronger and more reliable defense force capable of defending the country against current and emerging threats.”

Sa parehong talumpati ay pinapurihan rin ni Marcos ang FSSR dahil sa pagiging “stalwart defenders” nito sa bansa nitong nakalipas na pitong dekada. Hinimok rin niya ang mga ito na patuloy na magpakita ng “bravery, dedication, excellence, professionalism, at courage” sa kanilang misyon.