Stage father sa anak na miyembro ng LGBTQIA+, pinusuan ng netizens

Pinusuan ng mga netizen ang nakaka-inspire na video compilation at tribute ng isang anak na miyembro ng LGBTQIA+ na si Violet Huelar para sakanyang Papa Toto kung saan ibinahagi ni Violet ang mga emotional na sandali sa kanilang mag-ama.

Pinusuan ng mga netizen ang nakaka-inspire na video compilation at tribute ng isang anak na miyembro ng LGBTQIA+ na si Violet Huelar para sakanyang Papa Toto kung saan ibinahagi ni Violet ang mga emotional na sandali sa kanilang mag-ama.

Sa video tribute, makikita ang pagputong ng korona kay Violet matapos siyang manalo sa isang beauty pageant, ang pag-alalay ng kanyang ama habang bumababa siya sa stage, at ang pagsabit ng medal matapos siyang makatanggap ng award sa kanilang paaralan.

“I love you, Papa. I am crying upon editing this,” ani Violet sa kanyang post, na umaapaw sa pagmamahal at pasasalamat. “I am just blessed forever. I am proud of you! Super!”

“Anak ko ‘yan.” proud na sambit ni Papa Toto sa huling bahagi ng video kung saan kitang kita ang pagiging stage father habang masaya siyang nakikinig at nakatitig sa kanyang anak habang rumarampa at humahataw ito sa entablado.

Maraming netizens naman ang na-antig sa tribute video ni Huelar na umabot na ng mahigit 4.3 million views, 790,900 likes, at 7,750 comments.

“Ang ganda naman ng kanilang relasyon! Sana all may ganyang suportadong ama,”

“May all LGBTQ Community have this kind of support and love from their father 🙏😍 🥰.”

Kumento ng mga netizens na nagpapakita kung gaano kahalaga ang papel ng mga magulang sa pagsusulong ng mga pangarap ng kanilang mga anak.

PANOORIN:

@markchrstnramos I love you papa ko🫶🏻🥺 #violethuelar #markchristianramos #destinyrose #pageant #gay #father #wdymdyosa #dyosa #สปีดสโลว์ #สโลว์สมูท #wdymdyosa #dyosa #สปีดสโลว์ #สโลว์สมูท ♬ Dyosa by Skusta Clee Bullet D and O.C. Dawgs – Violet Huelar (Destiny Rose)

@markchrstnramos I love you papa, I am crying upon editing this. I am just blessed forever. I am proud of you! Super! #violethuelar #markchristianramos #destinyrose #violetandpapatoto #fatherandgayson ♬ original sound – @gorio07