Stable lang: Mga presong tinamaan ng gastritis, pigsa, hindi naospital – BJMP

Walang preso na kinailangang dalhin sa ospital sa kabila ng paglaganap ng sakit na bunsod ng mainit na panahon.

Walang preso na kinailangang dalhin sa ospital sa kabila ng paglaganap ng sakit na bunsod ng mainit na panahon.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), abot sa 2,620 na persons deprived of liberty (PDLs) ang tinamaan ng summer diseases ngayong taon.

Nanguna sa listahan ang acute gastroenteritis na may 1,466 na kaso sa mga PDL.

Sinundan ito ng pigsa na may 600 kaso, at gastritis na may 554 na kaso.

Inaasahan naman na bumaba ang kaso ng mga may sakit na PDL dahil sa pagbaba ng congestion rate sa mga piitan sa bansa.

“Compared to 127,000 PDLs last year, we have 118,000 this year,” ayon kay BJMP spokesperson Chief Inspector Jayrex Bustinera.

Ayon pa kay Bustinera, ginagawan na nila ng solusyon ang init sa loob ng selda tulad ng paglalagay ng industrial at exhaust fan.