Spy kaya? Chinese na kalaboso sa baril, buking sa mga gamit pang-hack

Arestado ang isang Chinese national na bukod sa nahulihan ng baril, nabisto rin ito sa mga gamit na pwedeng gamit pang-espiya.

Arestado ang isang Chinese national na bukod sa nahulihan ng baril, nabisto rin ito sa mga gamit na pwedeng gamit pang-espiya.

Dinakip ng pulisya si Yuhang Liu sa Makati City dahil sa dala nitong baril kahit wala itong naipakitang dokumento para magmay-ari ng firearm.

Inalerto ang pulisya ng isang complainant na pinagde-deliver umano ng suspek ng mga communication hacking device.

Nang halughugin ang kotse ng suspek ay dito nakita ang isang antenna system, solar inverter, radio receiver/transmitter, battery at ilang baril.

Sa tinutuluyan ng Chinese national ay nakita rin ang ilang computer at drone.

“Meron siyang certain gadgets, like yung drone, and meron din siyang mga cellphone and ‘yung makapag-intercept nung other gadgets. So as of now, ang experts ang makapag-justify kung anong klaseng gadgets ang mga ito,” ayon kay CIDG spokesperson LTCol. Imelda Reyes.

Samantala, nakadetine ang suspek dahl sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.