Spread the message of hope, love’: Pananampalataya ay isapuso, ipakita rin sa gawa—PBBM

Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga milyong-milyong deboto sa taunang paggunita sa pista ni Señor Sto. Niño sa iba’t ibang bahagi ng bansa, gaya ng Cebu kung saan idinaos ang Sinulog Festival.

Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga milyong-milyong deboto sa taunang paggunita sa pista ni Señor Sto. Niño sa iba’t ibang bahagi ng bansa, gaya ng Cebu kung saan idinaos ang Sinulog Festival.

Kaugnay niyan ay hinimok ng pangulo ang lahat ng deboto na ipakita sa gawa ang kanilang pananampalataya kay Sto. Niño.

“To the millions of devotees, I urge you to translate your faith into action so that you may spread the message of hope, love, and joy to others. Most importantly, always pray for spiritual strength and fortitude to overcome whatever challenges and difficulties that may lie ahead,” sabi ni Marcos sa isang mensahe sa kaniyang social media.

Pinaalalahanan rin niya ang mga ito na isapuso ang bayanihan at tulungan ang pamahalaan na makamit ang “Bagong Pilipinas that opens a better and more abundant life for all Filipinos.”

“Looking forward, I ask all of you to work hand in hand with this administration in maximizing all of the opportunities that will come before us in this New Year,” aniya.

Isa ang Sinulog sa pinakamagarbo at pinakamasayang selebrasyon para kay Señor Sto. Niño na idinaraos sa ikatlong Linggo ng Enero.