Spoiled, yarn? Lalaki, sinunog ang sariling bahay dahil hindi raw nasarapan sa ulam

Sanay sigurong kumain si kuya ng masasarap, kaya nang hindi nasarapan sa ulam ay nagdesisyong sunugin na lamang ang bahay.

Kalaboso ang isang lalaki sa Cebu dahil sa kasong arson.

Ang dahilan diumano ay hindi ito nasarapan sa ulam na nilagang baboy na inihain sa kaniya ng pamilya niya. Kanya naman naisipin umano nitong sunugin ang sarili nitong bahay sa Balamban sa Cebu.

Batay sa ulat ng pulisya ng Balamban, pumasok sa kaniyang kwarto ang salarin matapos itong kainin ang nilagang baboy. Dito na niya sinindihan diumano ng lighter ang sariling nitong kama, na naging dahilan naman sa pagkalat ng apoy sa bahay.

Damay sa sunog ang ina ng suspek, na agad rin namang naisugod sa ospital dahil sa paso nito sap aa.

Mahaharap sa kasong arson at physical injury ang hindi pa natutukoy na lalaki.