Special human rights committee, binuo ni PBBM

Binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang espesyal na komite na magtatanggol at magpapalaganap ng karapatang pantao s bansa.

Binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang espesyal na komite na magtatanggol at magpapalaganap ng karapatang pantao s bansa.

Nitong Mayo 8 nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin ang Administrative Order (AO) No. 22 na bumubuo sa “Special Committee on Human Rights Coordination.”

Ang komite ay pamumunuan nina Bersamin, at mga kalihim ng Department of Justice, Department of Foreign Affairs, at Department of Interior and Local Government.

Sa naturang order, binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan na maipagpatuloy ang mga natamo ng United Nations for the Joint Program on Human Rights (UNJP) sa pagtatanggol ng karapatang-pantao sa bansa. Ang UNJP ay mae-expire sa Hulyo 31.

“It is imperative to sustain and enhance the accomplishments under the UNJP, which is set to expire on 31 July 2024, through the institutionalization of a robust multi-stakeholder process for the promotion and protection of human rights in the Philippines,” saad ng pangulo sa naturang order.

Bukod sa UNJP, ang Pilipinas ay kasapi rin ng Universal Declaration of Human Rights, International Covenant on Economic, Social, and Cultural Rights, at ng International Covenant on Civil and Political Rights.