Speaker Romualdez nagpatawag ng Congressional briefing sa Cyberattacks

Iniulat ni Department of Information and Communications Technology Undersecretary Jeffrey Ian Dy na inaksyunan ng cybersecurity experts ang cyberattack kamakailan na target ang email address ng ahensya ng gobyerno.

Nagpatawag ng congressional briefing si Speaker Ferdinand Martin Romualdez kaugnay ng cyberattacks sa ilang websites ng ahensya ng gobyerno.

Iniulat ni Department of Information and Communications Technology Undersecretary Jeffrey Ian Dy na inaksyunan ng cybersecurity experts ang cyberattack kamakailan na target ang email address ng ahensya ng gobyerno.

Kabilang dito ang impormasyon ng Philippine Coast Guard at private website ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Ayon kay Romualdez, dapat siguruhin ng pamahalaan na nakakasabay ang bansa sa teknolohiya at kakayahan na labanan ang pag-atake ng mga hacker.

“The fact that these breaches have targeted critical domains such as cabsec.gov.ph, coastguard.gov.ph, cpbrd.congress.gov.ph, dict.gov.ph, doj.gov.ph, and ncws.gov.ph, in addition to the private domain of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, signifies a dire need for an immediate and comprehensive response,” ayon sa Speaker.

Dagdag pa niya, kritikal ang usaping ito dahil nakasalalay dito ang kaligtasan at impormasyon ng mamamayan.

Sinabi pa ni Romualdez na isa itong isyu ng seguridad at public interest kaya hindi dapat hayaan ng bansa na hindi nasusuri ang insidente. “I express deep concern regarding the recent cybersecurity breaches in government agencies, as reported by the DICT. “

“The revelation that hackers, suspected to be operating from China, have infiltrated the email systems and internal websites of various government agencies, is a matter of national security and public interest.” Dagdag ng Speaker.