‘Speaker for all’: Romualdez suportado ng 30 Metro solons, 25 local leaders ng Surigao del Norte

Nagpahayag ng suporta ang 30 kongresista mula sa Metro Manila at 25 local officials sa probinsya ng Surigao del Norte kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Nagpahayag ng suporta ang 30 kongresista mula sa Metro Manila at 25 local officials sa probinsya ng Surigao del Norte kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ito ay sa gitna ng anila’y walang basehang akusasyon ng ilang senador kay Romualdez at sa Kamara dahil sa isyu ng Peoples Initiative na nagsusulong ng Charter Change o Cha-Cha.

Sa isang “Statement of Solidarity”, tinawag na “Speaker for All, at Speaker of the Nation” si Romualdez ng mga mambabatas mula sa Kalakhang Maynila.

Kabilang dito sina Caloocan City Rep. Oscar Malapitan, Las Pinas Rep. Camille Villar, Pasig Rep. Roman Romulo, Manila Rep. Benny Abante, Marikina Rep. Stella Quimbo, Navotas Rep. Toby Tiangco, Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales Jr, Makati Rep. Luis Campos at iba pa.

Kinondena rin ng mga kongresista ang mga tangkang magsulong ng “disunity” o pagkaka-watak-watak ng bansa.

Samantala, 25 local leaders ng Surigao del Norte ang lumagda sa isang manifesto ng pagsuporta kay Romualdez sa pangunguna ni Surigao del Norte Rep. Francisco “Bingo” Matugas at Atty. Francisco Matugas, dating gobernadora at dating mambabatas 1st District of Surigao del Norte,

Kabilang sa mga lumagda sa manifesto ang pitong Board Members, 10 alkalde at anim na konsehal.