‘Spam texts’ ng Move It pinapa-imbestigahan ng mga digital advocates

Nais ng grupong Digital Pinoys na imbestigahan ng NTC at NPC ang mga diumano'y spam texts na pinapadala ng Move It sa mga riders upang hikayatin silang sumama sa kumpanya.

Dapat imbestigahan ng pamahalaan ang mga diumano’y spam text messages na ipinadadala ng Move It sa iba’t ibang mga riders sa buong bansa.

Iyan ang panawagan ng Digital Pinoys, isang grupo ng mga digital advocates, National Telecommunications Commission (NTC) and the National Privacy Commission (NPC) matapos itong makatanggap ng mga ulat nang spam texts na nagre-recruit ng riders.

“With the government’s campaign against the proliferation of spam and scam texts, companies using these practices should be held accountable. It is unacceptable that they are capitalizing on the scourge that the government and the public has been trying to eradicate,” paliwanag ni Digital Pinoys national campaigner Ronald Gustilo sa sulat na ipinadala niya sa NTC at NPC.

“Based on the complaints of the riders, it is clear that the riders were unaware as to why they received text messages and that they did not want to,” dagdag pa ni Gustilo. “Clearly, Move It is breaching their privacy and they should explain as to how they were able to get hold of the data that they used.”

Ang Move It ay isang motorcycle taxi company na pag-aari ng Grab Philippines.