Souvenir lang daw! CIDG tinangging lehitimo Vhinese military uniform sa Porac POGO

Souvenir lang umano ng mga chinese nationals na nagtatrabaho sa nilusob na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Porac, Pampanga ang narekober na chinese military uniform doon.

Souvenir lang umano ng mga chinese nationals na nagtatrabaho sa nilusob na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hub sa Porac, Pampanga ang narekober na chinese military uniform doon.

Ito ang iginiit ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Leo Francisco sa isinagawang press briefing sa Camp Crame kaninang umaga.

Ayon kay Francisco, hindi pa rin nila inaalis ang posibilidad na maaaring may ibang pinaggagamitan ang mga chinese nationals ng nasabing military uniforms.

“There are four sets of military uniforms, and as of today, it seems they are souvenirs used by Chinese nationals in the Porac hub, but we are not discounting the possibility that there is another reason why the military uniforms are here,” sabi ni Francisco.

Bagama’t sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kamakailan na ‘di nila bibigyang malisya ang narekober na uniform, desidido naman ang pulisya na ipagpatuloy ang imbestigasyon hinggil sa nakitang mga dokumento at mga kagamitan sa Porac.