Source ng deepfake audio ni PBBM natukoy na pulisya!

Nakilala na ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng pinagmulan ng ng deepfake audio na ginamit laban kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Nakilala na ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng pinagmulan ng ng deepfake audio na ginamit laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaang kamakailan ay may lumabas na recording ukol umano sa pinag-uutos ng Pangulo na magsagawa ng military action ang Pilipinas sa China.

Ayon sa mga awtoridad, manipulado at ginamitan ng artificial intelligence (AI) ang audio para palabasin na si Pangulong Marcos ang nag-utos nito.

“Initially, sir, may na-identify na po na possible source po nitong deepfake audio po na ito, but as to the extent po ng kaniyang involvement po dito ay iyon po pa rin ‘yung subject ng ating investigation,” ani PNP spokesperson P/Col. Jean Fajardo.

Samantala, binura na ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang naturang audio. Ipinag-utos na rin ng Department of Justice (DOJ) na panagutin ang mga taong nasa likod ng deepfake audio at magsampa ng legal action laban sa kanila.