SONA 2024 tutok sa ekonomiya, droga – PBBM

Nakasentro sa ekonomiya, illegal na droga, kriminalidad, at buhay ng mga Filipino ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 22.

Nakasentro sa ekonomiya, illegal na droga, kriminalidad, at buhay ng mga Filipino ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo 22.

Sa ambush interview sa Montalban, Rizal, sinabi ni Pangulong Marcos na ilalahad niya kung ano ang ginagawa ng pamahalaan para matugunan ang mga problema.

“We will also report on the state of the nation in the sense that, what are the lives of our people, how are they doing? The economy, how is it doing? Criminality, how are we doing on that? How are we doing in the other problems, social problems that we are facing such as drugs, such as the different threats that have been coming to us. Marami tayong mga issue na kailangan pag-usapan. Kaya’t ire-report — report talaga sa bayan ‘yan,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Problemado si Pangulong Marcos kung paano ipagkakasya sa isaang oras na salita ang ulat sa bayan.

Dahil dito, sinabi ni Pangulong Marcos na gagawa na lamang ng briefer ang Malakanyang par maidetalye ito sa taong bayan.

Ipamamahagi aniya ang briefer sa media, at lahat na ng partner ng pamahalaan sa public at private sector.

Ipakikita ni Pangulong Marcos sa publiko kung alin sa mga ipinangako ang natupad na.