Solon sinupalpal si Pimentel: Wala kaming P23-B building project!

Pinalagan ng "Young Guns" bloc ng Kamara ang pasaring ni Senate Minority Leader Aquilino "Koko" Pimentel III na dapat munang tingnan ng Kamara ang biglang pagtaas ng budget nito bago kumuda sa mga proyekto ng Senado.

Pinalagan ng “Young Guns” bloc ng Kamara ang pasaring ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat munang tingnan ng Kamara ang biglang pagtaas ng budget nito bago kumuda sa mga proyekto ng Senado.

Sinabi ni Zambales 1st district Rep. Jay Khonghun sa isang statement na imbes na sila ang tinitira ni Pimentel, dapat ay purihin muna nito si Senate President Chiz Escudero na siyang nag-utos na ipatigil ang nasabing proyekto ng Senado.

“Instead of hitting us, congressmen, the good Senate Minority Leader should welcome our move to applaud the decision of the new Senate leadership to uphold the principles of good governance,” aniya.

Dagdag ni Ako-Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, tila iniiwasan ni Pimentel ang isyu ng anomalya sa budget ng proyekto sa ginagawang patutsada nito sa Kamara na wala namang proyekto na umaabot sa P23-B ang budget.

“One thing is clear: the House of Representatives, with its over 300 members, does not have a P23-billion building project. Senator Pimentel’s attempts to divert scrutiny from the Senate’s controversial expenditure by highlighting the House’s budget increase are unfounded and misleading,” sabi ni Bongalon.

Para naman kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, deserve ng publiko na malaman ang totoo at trabaho ni Pimentel na ibigay ang katotohanan sa mga Pilipino.

“The public deserves to know why the cost of the NSB has escalated so dramatically, and your role as a Senator should include ensuring accountability and transparency, not merely defending controversial projects,” sabi nito.