Solon sa kanseladong Duterte rally: Labas si Romualdez d’yan!

Inosente si House Speaker Martin G. Romualdez sa pagkansela sa Maisug prayer rally na para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sana sa Tacloban City, Leyte.

Inosente si House Speaker Martin G. Romualdez sa pagkansela sa Maisug prayer rally na para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na gaganapin sana sa Tacloban City, Leyte.

Ito ang iginiit ni Deputy Majority Leader Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na aniya’y kaya hindi natuloy ang rally dahil sa kakulangan ng suporta at mababang bilang ng mga nagpo-protesta.

“Malamang sa hindi, naghahanap din sila ng justification bakit hindi marami ang nakarating, no? Kasi kung ako ang tatanungin mo, wala naman kaming kinalaman, si Speaker [Romualdez] wala namang kinalaman,” sabi ni Rep. Acidre.

Kinuwesityon din ni Rep. Acidre ang sinasabing “kapayapaan” ng mga raliyista sa kanilang mga aktibidad na kung sa tutuusin ay puno ng pagmumura at pag-atake ang kanilang prayer rally kaysa sa mismong panalangin at kapayapaan.

“Malamang sa hindi, naghahanap din sila ng justification bakit hindi marami ang nakarating, no? Kasi kung ako ang tatanungin mo, wala naman kaming kinalaman, si Speaker [Romualdez] wala namang kinalaman,” dagdag niya.

Ang Tacloban ang kabisera ng Leyte, na teritoryo ni Romualdez. Kinakatawan niya ang unang distrito ng Leyte sa Kamara.