Solon nagbigay palugit sa mga telco sa mabagal na internet

Binigyang-diin ni Makati City 2nd District Rep. Luis Campos Jr. ang kahalagahan ng pagpapaganda ng internet speed sa bansa.

Binigyang-diin ni Makati City 2nd District Rep. Luis Campos Jr. ang kahalagahan ng pagpapaganda ng internet speed sa bansa.

Dahil dito, hinimok ni Campos ang pamahalaan na magtakda ng deadline para sa telecommunication companies na bigyang prayoridad ang pagpapabuti ng internet.

Ayon kasi sa datos na May 2024 Global Speedtest Index ng Ookla, nasa average 32.12 megabits per second (Mbps) ang internet speed sa bansa noong nakaraang buwan.

Kaya naman isinusulong ni Campos ang House Bill No. 10215, kung saan ang NTC ay maaaring magtakda ng mga target na bilis ng internet na dapat maabot ng mga telcos.

“Telecommunication companies are simply not doing enough to improve their networks. This is why we want Congress to pass a new law so that the government can set compulsory deadlines for telcos to deliver faster mobile internet speeds under pain of punitive regulatory fines,” ani Campos.

Sa naturang panukala, ang mga hindi makakasunod na telcos ay papatawan ng multa na P1 milyon bawat araw.