Solon kinalampag mga awtoridad sa pagdakip kay Quiboloy

Tila naiinip na si House Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez sa tagal ng paghahanap ng mga awtoridad kay Pastor Apollo Quiboloy.

Tila naiinip na si House Deputy Speaker at Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez sa tagal ng paghahanap ng mga awtoridad kay Pastor Apollo Quiboloy.

“My bigger concern is bakit hindi pa nahahanap si Quiboloy. We’ve been on manhunt for how many months already. Isang pagpapakita ito na hindi niya nirerespeto ang mga institusyon ng pamahalaan. Ipinakikita niya rin na he has no regard, whatsoever when it comes to the laws that govern the Philippines,” wika ni Suarez sa isang press conference.

“This is a gentle call out to our law enforcement agencies to please implement, look for him, put him in proper custody so that we can fully progress into the legal proceedings when it comes to the cases that he is now facing,” dagdag pa niya.

Si Quiboloy ay may warrant of arrest mula sa isang korte sa Davao City at isa mula sa isang korte sa Pasig City. Bukod pa rito, pinahuhuli rin siya ng Senado dahil sa pang-iisnab nito sa kanilang mga pagdinig.

Halos isang buwan na rin buhat nang maglabas ng isang audio statement si Quiboloy, na paraan niya para ipahatid ang kanyang mensahe sa publiko.