Solon kay Pastor Quiboloy: Hindi ka ligtas sa batas

Pinaalalahanan ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre si Pastor Apollo Quiboloy na hindi siya lusot sa batas ng Pilipinas sa kabila ng kanyang deklarasyon na siya ang "Appointed Son of God."

Pinaalalahanan ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre si Pastor Apollo Quiboloy na hindi siya lusot sa batas ng Pilipinas sa kabila ng kanyang deklarasyon na siya ang “Appointed Son of God.”

“I don’t think being an appointed Son of God puts you above the law. I’m sure no one is above the law,” saad ni Acidre sa isang press conference ngayong Huwebes.

Si Quiboloy ay pinapatawag ng Kongreso hinggil sa reklamo laban sa Sonshine Media Network International (SMNI). Nitong Miyerkoles, naglabas ng isang audio message ang pastor kung saan sinabi niya na siya ay nagtatago dahil sa banta sa kanyang buhay.

“Believe me he’s a pastor he commands a strong, a good number of people around the world he knows what he’s doing, he knows that he’s clearly defying the law. He knows that he’s injuring the political system that we have in place disrespecting the authorities. I think he will be made accountable at the right time,” dugtong ng solon.

Siniguro rin ni Acidre na aaksyon ang Kamara sakaling dedmahin ni Quiboloy ang kanilang subpoena.

“But the House will have to deal, dito na lang tayo sa House ho, ‘wag na natin isipin si Apollo Quiboloy. The House, we will implement the law if he does not appear, then we will be constrained to execute the subpoena and make sure that he is here to answer the questions and issues raised against him,” dagdag ng party-list solon.