Solon: Foreign investors umiiwas sa Pilipinas dahil sa Charter restrictions

Iniiwasan ng mga foreign investors na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa mahigpit na foreign ownership restrictions ng Konstitusyon.

Iniiwasan ng mga foreign investors na mamuhunan sa Pilipinas dahil sa mahigpit na foreign ownership restrictions ng Konstitusyon.

Ito ang isiniwalat ni Palawan Rep. Jose Alvarez, PDP-Laban president, sa isang press conference sa Kamara.

Ayon sa mambabatas, nakausap aniya ang Korean ambassador sa bansa at nagsabing sa 343 Korean investors, 3 lamang ang nagdesisyong mag-invest sa Pilipinas.

“’Yung 340 went to Vietnam. Hindi ba sapat na buksan na natin ‘yung economy kasi kulelat na nga tayo sa buong ASEAN,” ani Alvarez.

Giit ng Kongresista, hindi sapat ang mga bagong batas na ipinasa ng Kongreso tulad ng inamiyendahang Public Service Act para makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan.

“’Yung mga napasang batas, opening-up the economy, hindi pa sapat. That’s very direct answer, because in the other countries, pagpalagay mo na sa Vietnam, wala namang foreign ownership sa lupa. Kasi in a communist state, all lands belong to the state. Pero definitive ‘yung 25 years, 50 years, 75 years, ito iyong mga benepisyo. Ito yung investmet mo, ito ‘yung taong i-employ mo. Kumpleto sa recados,” ani Alvarez.

“Hindi ‘yung i-open-up mo lang ‘yung economy, Retail Trade Law, ‘yung Public Service Act, e kulang pa iyon e. Hindi sapat,” dagdag ng kongresista.