Solon: AKAP, lehitimo at hindi hao-siao

Nanawagan si House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na itigil na ang umano’y paninira sa Ayuda sa Kapos sa Kita Program o AKAP.

Nanawagan si House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin na itigil na ang umano’y paninira sa Ayuda sa Kapos sa Kita Program o AKAP.

Sa isang pahayag, sinabi ni Garin na ang AKAP ay lehitimo at marangal na hakbang sa pagbibigay asiste sa mahihirap na Pilipinong umaahon pa rin sa epekto ng pandemiya.

Kasunod ito ng alegasyon ni Sen. Imee Marcos na maaaring gamitin aniya ang AKAP sa pagkuha ng pirma at suporta para sa People’s Initiative na naglalayong amyendahan ang Konstitusyon.

“We respect the wisdom of the Senate, but we also have to stand up because we cannot continue maligning good projects,” ani Garin.

Dagdag pa niya, walang basehan ang mga akusasyon at maaari lamang itong magdulot ng kalituhan sa publiko.

“Ang pag-malign na ito ay posibleng magkaroon ng taint at magkaroon ng maling pag-intindi ‘yung ating mga kababayan. So, uulitin natin ‘yung AKAP ay hindi siya hao-siao. Ang AKAP ay tulong sa mga taong kinakapos ang kita. Ang AKAP ay tulong para ‘yung mga empleyadong nahihirapan sa pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin ay hindi natin ipapasa lang ng buo ang burden sa kanilang mga employer,” giit niya.

Layon ng AKAP na magbigay ng one-time cash assistance sa mga benepisyaryo na apektado sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.