Solid pa rin! Legarda niligawan din para patalsikin si Zubiri

Nilantad ni Senador Miguel Zubiri na may lumapit umano kay Senadora Loren Legarda para palitan siya bilang Senate President.

Nilantad ni Senador Miguel Zubiri na may lumapit umano kay Senadora Loren Legarda para palitan siya bilang Senate President.

Sa panayam ng ‘Mahiwagang Mundo ng Politiko’, sinabi ni Zubiri na alam niyang may nag-offer kay Legarda, na kanyang dating Senate president pro tempore, para sibakin siya at maging lider ng Senado.

“Si Senator Loren Legarda, kaya sinabi ko sa kanya, true test of character dahil alam ko po, ino-offeran din po siya ng posisyon na ito once upon a time, pero tinanggihan niya po,” saad ni Zubiri.

“Sabi niya, hindi niya po magagawa ito kay Migz Zubiri, sa kanyang Senate President, kaya saludo po ako sa inyo ma’am,” wika pa ng dating Senate president. “Many temptations came but you stood fast, that is a true test of character.”

Wika ni Zubiri, nakakuha siya ng matibay na alyansa sa Senado sa kanyang pagkakatanggal bilang SP sa pagkakabuo ng ‘Solid 7’.