‘Solid 7’, magiging ‘Six Bomb’ sa pag-alis ni Angara sa Senado

Proud moment para kay Senator Nancy Binay at sa kanilang grupo na “Solid 7” ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Senator Sonny Angara bilang bagong DepEd Secretary.

Proud moment para kay Senator Nancy Binay at sa kanilang grupo na “Solid 7” ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Senator Sonny Angara bilang bagong DepEd Secretary.

Para kay Binay si Angara ang the best person para maging DepEd Secretary, lalo’t naging bahagi ito ng education committee.

Bagaman nalulungkot daw sya dahil sabay silang pumasok ni Angara sa Senado at seatmate din nya ito.

“Nakakalungkot din kasi diba nung 2013 sabay kaming pumasok ni Sen. Sonny. Kumbaga sa bahay ni Kuya, una siyang lumabas. Hindi kami sabay-sabay lalabas sa Senado. Mami-miss ko rin siya kasi siya ang seatmate ko sa session hall,” saad ng mambabatas.

At dahil mababawasan ng isang myembro ang kanilang bloc, pabirong sinabi ni Binay na ‘Six Bomb’ na ang tawag sa dating solid 7.

Matatandaang ang Solid 7 ay ang grupo ng mga senador na nanatiling kaalyado ni dating Senate President Juan Miguel Zubiri matapos itong mapatalsik bilang lider ng Mataas na Kapulungan.