Soli bayad na! Ex-pulis na nanutok ng baril, pinasasauli ang natanggap na retirement benefits

Tila minumulto pa rin ng kanyang nakaraan ang dating pulis na nanutok ng baril sa isang siklista matapos mapag-alaman na nabayaran siya ng separation benefits kahit na na-dismiss siya sa serbisyo, ayon sa isang senador.

Tila minumulto pa rin ng kanyang nakaraan ang dating pulis na nanutok ng baril sa isang siklista matapos mapag-alaman na nabayaran siya ng separation benefits kahit na na-dismiss siya sa serbisyo, ayon sa isang senador.

Sa isang panayam, sinabi ni Senator Francis Tolentino na forfeited ang retirement benefits ni Wilfredo Gonzales nang maging pinagtibay noong 2018 ang rekomendasyong sisantehin siya sa serbisyo mula sa administrative case laban sa kanya na isinampa sa kanya noong 2006.

Naging epektibo lamang ang kanyang pagkakatanggal sa serbisyo noong 2018 dahil binasura ang kanyang motion for reconsideration. Nagretiro si Gonzales noong 2016 nang umabot siya sa mandatory retirement age na 56.

Ayon sa desisyon, ipinagutos na ng PNP kay Gonzales na isauli ang kanyang retirement pay.

“Until now, he has yet to return the money that he received after he was dismissed from the service,” ayon sa senador. “Hindi man iyon malaki, pero hindi niya pa rin sinunod ang order.”

“He should not have separation benefits because he was dismissed,” diin ni Tolentino, na chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.

Didinggin ng kumite ang isyu tungkol sa insidenteng road rage noong Agosto 8 na kinasangkutan ni Gonzales at ng isang siklista.

Dahil sa insidente, naungkat ang masalimuot na kasaysayan ni Gonzales, na napag-alaman na na-demote ng sunod-sunod na pagkakataon noong nagsisilbi siya sa Quezon City Police District.