SOGIE bill malabong pumasa sa Senado – Escudero

Manipis ang tsansa na pumasa ang SOGIE bill sa Senado, ayon kay Senate President Francis 'Chiz' Escudero.

Manipis ang tsansa na pumasa ang SOGIE bill sa Senado, ayon kay Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero.

Aniya, base sa kanyang pakikipag-usap sa ibang mambabatas ay mas malaki ang tsansa ng panukalang batas tungkol sa anti-discrimination kaysa sa SOGIE.

“Sa pagkakaalam ko, may mga panukalang amendment dito sa bill na ito bago ito tuluyang maipasa. Pero sa kwentuhan din bago pa man ako naging tagapangulo ng Senado, mas malaki ang tsansa na pumasa ang anti-discrimination kaysa SOGIE, unless nga ang mga amendments ay mapagbibigyan,” ayon kay Escudero.

Ang pinatutungkulan ni Escudero ay ang bersyon ng anti-discrimination bill na bukod sa SOGIE, ay pasok din ang parusa sa diskriminasyon sa lahi, religious belief, edad at iba pa.

Ang SOGIE Bill na inakda ni Senadora Risa Hontiveros ay natengga sa committee on rules na hawak ni Senate Majority Leader Joel Villanueva.