Sobrang sipag! Mga OFW mataas demand sa Europe

Maraming employer mula sa ilang European countries ang naghahanap ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Maraming employer mula sa ilang European countries ang naghahanap ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Patricia Yvonne Caunan, mataas ang demand ng mga OFW sa Austria, Czech Republic, Denmark, Finland, Hungary at Portugal.

Sa Czech Republic, abot sa 10,000 slot ang binigay para sa mga OFW ngayong taon.

“They were impressed with the performance of our workers, their mentality and attitude. That’s what our bilateral partners usually tell us. They said they want more OFWs,” ayon kay Caunan.

Kabilang sa mga hinahanap sa mga nasabing European countries ay mga caregivers, housekeeper, health care worker, barista, at tourism-related na trabaho.

Dahil dito’y inaasahan na ngayon taon ay tumaas din ang remittance na ipinapadala ng mga OFW mula Europa.

“Given the engagements we are having, we can see that deployment to Europe definitely will increase. For 2024, we are expecting an increasing trend in remittances,” saad ni Caunan.