Sobrang init! Heat break hinirit sa DOLE na gawing mandatory

Nais ng isang workplace safety group na gawin nang mandatory ang heat break dahil sa matinding init na nakakaapekto sa mga manggagawa.

Nais ng isang workplace safety group na gawin nang mandatory ang heat break dahil sa matinding init na nakakaapekto sa mga manggagawa.

Ayon sa grupong Institute for Occupational Health and Safety Development (IOHSAD), dapat na ipatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang heat break ngayong tag-init.

Ito’y dahil sa dumaraming kaso ng mga empleyado na nahihilo o kaya’y tumataas ang blood pressure dahil sa matinding init.

Bukod pa diyan, nais din ng grupo na magbigay ang mga employer ng medical check-up, libreng inuming tubig at maayos na bentilasyon sa mga manggagawa.

Ito na rin ang dating sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, na may karapatan ang mga manggagawa na magkaroon ng heat break.