Sobrang init! 131 LGU isinailalim sa ‘state of calamity’ dulot ng El Niño

Isinailalim sa state of calamity ang 131 na local government units (LGU) dahil sa tindi ng init na nararanasan dulot ng El Niño.

Isinailalim sa state of calamity ang 131 na local government units (LGU) dahil sa tindi ng init na nararanasan dulot ng El Niño.

“Kalat kalat po iyan sa buong Pilipinas,” pahayag ni Task Force El Niño spokesperson at Presidential Communications Office Assistant Secretary Joey Villarama.

Ani Villarama, kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity ay ang probinsya ng Occidental Mindoro, Antique, Sultan Kudarat, Basilan, Maguindanao del Sur, Maguindanao Del Norte, and South Cotabato.

Samantala, sinabi ni Villarama na ang pinsalang tinamo ng agricultural lands ay nasa P4.39 bilyon.

“So if you compare it 77,000, maliit pa po dahil po sa measures na ipinatupad po ng gobyerno before the onset of El Niño,” dagdag pa nito.