Sobrang hirap katrabaho! Xian Lim nilaglag ng Kapuso writer

Nilantad ng isang writer na empleyado umano ng GMA na sobrang hirap umanong katrabaho ni Xian Lim.

Nilantad ng isang writer na empleyado umano ng GMA na sobrang hirap umanong katrabaho ni Xian Lim.

Sa Facebook post ng Esquire Philippines tungkol sa kanilang exclusive interview kay Xian, isang Brylle Tabora ang napa-comment tungkol sa aktor.

Aniya, ‘super difficult’ umanong katrabaho ni Xian at ginawa raw miserable ng aktor ang buhay ng mga writers.

“What a friggin’ joke, and he’s also super difficult to work with!! Made our lives as TV writers miserable. UGH,” ayon kay Tabora.

Wala namang ibang binigay na detalye si Tabora sa kanyang comment tungkol kay Xian.

Maging si Xian ay wala pa ring reaksyon sa alegasyon ng nagpakilalang TV writer.