Sobra na yan! Nilabag ng China ang batas ng Pilipinas sa pagbangga nito sa barko ng Coast Guard, resupply boat—PBBM

Mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagbigay ng kanyang mga pasya tungkol sa insidente noong Linggo ng umaga, Oktubre 23, kung saan binangga ng mga China coast guard ship ang isang resupply boat ng Pilipinas at ang BRP Cabra sa West Philippine Sea

Hindi ipinagkikibit-balikat ng Pilipinas ang pinakabagong insidente ng panggigipit sa mga tauhan at barko nito, at walang karapatan ang China na ipatupad ang batas nito sa loob ng teritoryo ng ating bansa, ayon sa mga opisyal ng gobyerno.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nagbigay ng kanyang mga pasya tungkol sa insidente noong Linggo ng umaga, Oktubre 23, kung saan binangga ng mga China coast guard ship ang isang resupply boat ng Pilipinas sa West Philippine Sea

“The Philippine government views the latest aggression by China as a blatant violation of international law. China has no legal right or authority to conduct law enforcement operations in our territorial waters. We are taking this incident seriously at the highest level of government,” ani Teodoro.

“The use by China of brute force behind disingenuous facades necessitates this course of action,” dagdag pa niya.

Ani Teodoro, sadyang binangga ng mga barko ng China ang resupply boat na Unaizah May 2 at BRP Cabra sa loob ng 200-milyang exclusive economic zone ng Pilipinas, at malinaw dito na walang karapatan ipatupad ang China ang batas nito sa teritoryo ng Pilipinas.

“This is a serious escalation of the illegal activities conducted by the Chinese government in the West Philippine Sea and in complete disregard of any norm or convention of international law,” dagdag ni Teodoro.

Aniya, ipinatawag na rin ng gobyerno si Chinese Ambassador Huang Xilian upang magpaliwanag sa “reckless and illegal act of the Chinese government.” Sinabihan na rin ng Department of Foreign Affairs si Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz na ipahayag ang saloobin ng gobyerno sa Chinese Ministry of Foreign Affairs.

Pinasalamatan naman ng gobyerno ang mga bansang nagpahayag ng pakikiisa sa panibagong insidente sa West Philippine Sea.

“We also acknowledge the support of our allies and like-minded nations such as the United States, Japan, Australia, Germany, Canada, the Netherlands, the United Kingdom and European Union in condemning China’s aggression and expansionist actions,” ayon kay Teodoro.

“We call on our people to stand behind the Government in executing our constitutional mandate to secure the national interest in the West Philippine Sea,” dagdag pa niya.