SMNI sisilipin! Kamara naglabas ng subpoena vs Pastor Quiboloy

Nag-isyu ng subpoena ang Kongreso ngayong Lunes laban kay Pastor Apollo Quiboloy upang harapin niya ang reklamo sa Swara Sug Media Media Corporation, ang nago-operate ng Sonshine Media Network International (SMNI).

Si Quiboloy ay pinadadalo sa isang pagdinig sa Marso 12, batay sa liham na pinirmahan ni Speaker Martin Romualdez at House Committee on Legislative Franchises chairperson Gus Tambunting.

“Please be advised that failure to comply with this Order will constrain the Committee to resort to Section 11 of the Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation of the House of Representatives on the power of contempt,” saad sa subpoena.

Nahaharap ang Swara Sug sa reklamong hindi nagbabalita ng katotohanan at balanse ang SMNI. Paglabag umano ito sa Section 4 ng prangkisa ng Swara Sug kung saan nakasaad na hindi nito gagamitin ang SMNI upang magpakalat ng maling impormasyon.

Ngayong Lunes din ay kinumpirma ni Senadora Risa Hontiveros na pirmado na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang subpoena laban sa pastor, kaugnay ng reklamong human trafficking, rape, at pangaabusong sekswal.