SMNI lusaw prangkisa lusot na sa Kamara

Pasado na sa Kamara ang pagbawi ng prangkisa para sa SMNI na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Pasado na sa Kamara ang pagbawi ng prangkisa para sa SMNI na pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Sa pagdinig sa Kamara sa third at final reading para sa House Bill No. 9710, 284 kongresista ang pumabor sa pagbawi ng prangkisa ng SMNI o Swara Sug Media Corp.

Apat naman ang tumutol, at apat din ang nag-abstain.

Dininig sa House Committee on Legislative Franchises ang umano’y paglabag ng SMNI sa Section 4 na kaugnay sa pagpapakalat umano ng maling impormasyon ng naturang media network.

Lumabas din sa pagdinig na hindi nagpaalam ang SMNI sa Kongreso nang magpalit ito ng owner.

Hindi rin umano nag-offer ang SMNI ng 30 percent ng kanilang stocks sa publiko.