SMB import dagdag armas sa Gilas Pilipinas

May nakapila na para maging susunod na naturalized player ng Gilas Pilipinas.

May nakapila na para maging susunod na naturalized player ng Gilas Pilipinas.

‘Yan ay walang iba kundi ang 6-foot-10 American forward na si Bennie Boatwright.

Ayon sa ilang report, pumayag na ang 27-anyos na manlalaro para maglaro suot ang Gilas jersey.

Inaasahan na simula na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang naturalization process para kay Boatwright.

Hindi naman inaasahan na papalitan ni Boatwright ang kasalukuyang naturalized player ng Gilas na si Justin Brownlee.

Saad sa mga report, dagdag lamang ang one-time PBA champion sa naturalized player pool ng national team.

Bukod kay Brownlee, ilan pa sa mga pwedeng hugutin ng Gilas ay sina dating Ateneo center Ange Kouame, at NBA guard Jordan Clarkson.