Sira pala! Kawatan sinoli ninakaw na wachine machine

Arestado ang isang 24-anyos na kawatan sa Cebu City nitong Martes matapos niyang isauli ang ninakaw niya na washing machine, sa kadahilanang sira na pala ito.

Arestado ang isang 24-anyos na kawatan sa Cebu City nitong Martes matapos niyang isauli ang ninakaw niya na washing machine, sa kadahilanang sira na pala ito.

Kinilala ang suspek bilang si Jason Pepito.

Ayon sa ulat, nabulabog ang pamilya ni Nhiel Patrick Surbito sa ingay sa kanilang bahay dakong ala-una ng madaling araw.

Dito na nila napansin na nawawala ang kanilang washing machine, kaya’t nagsumbong na sila sa mga barangay tanod.

Nang rumesponde na ang mga tanod, natanaw nila ang suspek na buhat-buhat pa ang washing machine. Nagkalat pa sa kalsada ang mga damit ng biktima na nakalagay sa loob nito.

Ani Pepito, isasauli raw niya ang washing machine dahil ‘di raw ito gumagana.

Duda naman si Surbito, dahil tatlong buwan pa lang daw sa kanila ang washing machine.

Naka-detain ngayon sa Inayawan Police Station si Pepito, na napag-alamang notorious na magnanakaw sa lugar.