Sir, yes, sir! Tolentino kampanteng maipapasa na ang panukalang mandatory ROTC sa Senado

Matapos ang matagumpay na pagtatanghal ng Philippine ROTC Games 2023 sa Mindanao, ipinahayag ni Sen. Francis Tolentino nitong Sabado, Setyembre 2, na siya ay umaasang lubos na maipapasa sa Kongreso ang dalawang taong mandatoryong Basic Military and Police Training program sa kolehiyo.

Inihain ni Tolentino ang Senate Bill No. 1565 na naglalayong gawing mandatoryo ang Reserve Officers’ Training Corps o ROTC sa loob ng dalawang taon sa mga mag-aaral sa kolehiyo at vocational courses sa mga pampubliko at pribadong institusyon ng pag-aaral.

Ayon kay Tolentino, honorary chairman ng Philippine ROTC Games (PRG), nakapukaw ng matinding interes mula sa sektor ng kabataan ang ROTC Games batay na rin sa bilang ng mga lumahok sa mga laro, na ngayon ay patungo na sa Luzon qualifying leg.

“I can already see the (passage of) mandatory ROTC. Right now (it) is still optional and the measure is still pending in the Senate,” sambit ni Tolentino sa pagtatapos ng nasabing palaro.

Sa ilalim ng panukala ni Tolentino, ang mga mag-aaral na mabigong dumaan sa programa ay hindi magiging kwalipikado para sa pagtatapos. Binibigyan din nito ang mga nakakumpleto nito ng opsiyon na kumuha ng advanced military training.

Matatandaang nauna nang iminungkahi ni Bise Presidente Sara Duterte ang pagbabalik ng mandatory ROTC.