Sir, yes, Sir! PBBM sa AFP: Bagong diskarte, estratehiya kailangan para tuparin ang tungkulin sa sambayanan

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mag-isip ng mga makabagong paraan para magawa nito ang mga mandato nito, gaya ng pagsugpo ang rebelyon, pagtuon sa tensiyon sa West Philippine Sea, at pagresponde sa oras ng kalamidad.

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mag-isip ng ibang mga paraan para magawa nito ang mga mandato nito. Partikular na rito ang pagsugpo ang rebelyon, pagtuon sa tensiyon sa West Philippine Sea, at pagresponde sa oras ng kalamidad.

Ang direktibang iyan, ayon kay AFP chief Gen. Romeo Brawner Jr. ay galing mismo sa pangulo nang pangasiwaan nito ang ginanap na military command conference sa Camp Aguinaldo nitong Lunes, Enero 15.

“He said that we needed to reconfigure our approaches to dealing with different threat groups,” sabi ni Brawner sa isang press briefing. “We need to deal with communist terrorist groups, the local terrorist groups, the threats that we are facing in the West Philippine Sea, and of course, ‘yung mga natural disasters.”

Ayon kay Brawner, nais na Marcos na magpatupad ang AFP ng mga bago at makabagong paraan para matugunan ang mga nasabing problema.