Sinunod namin ang batas: Pork barrel, tinanggal na sa budget—Speaker Romualdez

Wala ng pork barrel. Iyan ang mariing sinabi ni House Speaker Martin Romualdez matapos niyang pangunahan ang pagpasa ng General Appropriations Bill sa Senado.

Nanindigan si House Speaker Martin Romualdez na tinanggal na ng House of Representatives ang tinatawag na pork barrel batay na rin sa direktiba ng Supreme Court.

“Honoring the Supreme Court’s (SC) directive, we have instituted reforms to categorically abolish the pork barrel system. Our commitment to upholding transparency, accountability, and exemplary governance remains stronger than ever,” paliwanag ni Romualdez matapos ipasa ng Kamara sa Senado ang P5.768-trillion General Appropriations Bill (GAB) nitong Sabado, Nobyembre 4.

Tiniyak ito ni Romualdez ilang linggo matapos pasaringan ni dating pangulo Rodrigo Duterte ang Kamara na mayroon itong “unlimited” pork barrel, na kilala rin sa tawag na discretionary fund.

“We have undertaken rigorous measures to ensure judicious and lawful allocation of funds. Our reforms echo our unwavering commitment to serving our people with utmost integrity,” dagdag ng speaker.

Nakatakdang busisiin ng Senado ang GAB, at kumpiyansa si Romualdez na maipapasa ito bago mag-Pasko.