Sinungaling kayo! DND sinuka ‘new model’ na imbento ng China

Nanawagan ang Department of National Defense (DND) sa publiko na huwag magpapaniwala sa mga pahayag ng China hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Nanawagan ang Department of National Defense (DND) sa publiko na huwag magpapaniwala sa mga pahayag ng China hinggil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y kaugnay ng isiniwalat ng Chinese Embassy na nakipag-kasundo sila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command para mapahupa ang tensyon sa WPS. Tinawag pa ito ng Chinese Embassy na ‘new model.’

Ayon kay Defense Sec. Gibo Teodoro, walang anumang ‘new model’ sa pagitan ng militar at ng China.

“I reiterate that I have disallowed any contact between the DND and the Chinese Embassy since the courtesy call of Ambassador Huang Xilian, a few days after I assumed office in July of last year,” saad ni Teodoro sa isang pahayag ngayong Linggo.

“During the said courtesy call, there was no discussion or briefing on any ‘gentleman’s agreement’ or ‘new model,’ which is contrary to the Chinese Embassy’s pronouncements,” aniya.

Kaya naman, nakiusap ang kalihim sa publiko na mag-ingat sa taktika ng China na pagpapalaganap ng kasinungalingan upang mapagwatak-watak ang sambayanan.

“I am issuing this statement to generate awareness on this clear attempt by China to advance another falsehood in order to divide our people and distract us from their unlawful presence and actions in our EEZ,” wika pa ni Teodoro.

“We advise our citizens, the media, and the international community to beware of China’s methods of manipulation, interference, and malign influence in furthering its own interests,” dagdag pa niya.