Sino kaya ang nagsasabi ng totoo? PhilHealth, malaki pa rin ang utang sa mga pribadong ospital – grupo

Iginiit rin ng grupo na wala pang nababayaran ang PhilHealth, na taliwas sa una nang pahayag ng ahensya na 76% ng utang nito ang nabayaran na.

Inabisuhang muli ng isang grupo ng mga pribadong ospital ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran na ang utang nitong P27 bilyon sa iba’t ibang health facilities.

“We are asking PhilHealth to make good on their promise to pay the (more than) P20-billion arrears to the hospitals before the end of the year,” saad ni Dr. Jose Rene de Grano, president ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI).

Dagdag pa niya, sinabi diumano ng PhilHealth na “they are still in the process of fixing their system,” kung kaya’t current accounts pa lamang ang mga nababayaran nito.

Sabi pa ni De Grano, nangako ang PhilHealth na magbibigay ito ng P2.5 bilyon ngayon linggo, kung kaya’t umaasa ang PHAPI na tutuparin ito ng ahensiya.

Iginiit rin ng PHAPI na wala pang nababayaran ang PhilHealth, na taliwas sa una nang pahayag ng ahensya na 76% ng utang nito ang nabayaran na.

Ayon rin sa PHAPI, may mahalagang anunsyo ito kung hindi pa rin magbabayad ang PhilHealth hanggang Enero 2024.