Sinilid sa balikbayan box! P330-M halaga ng droga naharang sa Manila port

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang P337.13 milyon na halaga ng ipinagbabawal na gamot sa Port of Manila na inilagay sa loob ng 18 balikbayan box.

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang P337.13 milyon na halaga ng ipinagbabawal na gamot sa Port of Manila na inilagay sa loob ng 18 balikbayan box.

Ayon sa ulat ng BOC, lima sa mga box ang naglalaman ng 122 pakete ng marijuana na nagkakahalaga ng P158,520,000. Samantala, ang 13 pang box ay may lamang 344 pakete ng marijuana, na may halaga na P176,408,000.

Bukod sa marijuana, may laman din umanong pinatuyong kabute na may Psilocybin ang mga box. Nadiskubre rin na may kasama pa itong cannabis oil at e-cigarette.

Iniimbestigahan na ng BOC ang may-ari ng mga balikbayan box.

“We are dedicated to preventing smugglers from resorting to such tactics in the future. Safeguarding the integrity of balikbayan boxes, which hold significant meaning for us Filipinos, is crucial. Utilizing this tradition as a smuggling method is completely unacceptable, and we are committed to ensuring that such actions are thwarted,” saad ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio.