Singil ng Meralco, tataas ngayong Nobyembre

Ang pagtaas ay dahil tumaas ang overall pass-on tariff nito mula P11.8198 kada kilowatt hour (kWh) noong Oktubre pataas sa P12.0545 kada kWh nitong Nobyembre

Bahagyang magtataas ang singil ng Manila Electric Company (Meralco) ngayon ng buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Meralco, ang pagtaas na ito ay dahil tumaas ang overall pass-on tariff nito mula P11.8198 kada kilowatt hour (kWh) noong Oktubre pataas sa P12.0545 kada kWh nitong Nobyembre—o katumbas ng P0.2347 kada kWh na pagtaas.

“Driving this month’s overall rate increase is the uptick in the transmission charge, which went up by P0.1211 per kWh for residential customers due to higher ancillary service charges,” paliwanag ng Meralco.

Ibig sabihin, ang mga residential consumer na kumokonsumo ng 200 kWh ay makakakita ng P47 na pagtaas sa bill nila, samantalang ang mga kumokonsumo ng 300 kWh ay magkakaron ng P70.41 na pagtaas sa babayarin nito.

Dagdag pa ng Meralco, isa rin sa mga dahilan sa pagtaas ng singil nito ay ang mas mataas na ancillary service charge ng National Grid Corporation of the Philippines, na tumaas ng P0.1211 kada kWh.