Simulan na ang amyenda sa Saligang Batas! Mambabatas, pinuri ang ‘unity’ ng Kamara at Senado tungkol sa Cha-Cha

Iyan ay matapos isulong ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Lunes, Enero 15, ang Senate Resolution of Both Houses No. 6, na nagpapanukalang amyendahan ang Artikulo XII, XIV and XVI ng Saligang Batas.

Tinawag ni House majority leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe na “extraordinary development” ang tila pagkakaisa ng Senado at House of Representatives sa pag-amyenda ng Saligang Batas para sa ikauunlad ng bansa.

“In an extraordinary development for our nation, the Senate has finally seen the light, embracing the House’s long standing belief in the necessity of constitutional amendments,” saad ni Dalipe sa isang pahayag nitong Martes, Enero 16.

“This newfound unity between the two legislative bodies signifies a significant stride forward for our country,” dagdag pa nito.

BASAHIN RIN: Ito ang susi sa pagbabagong inaasam! People’s Initiative ang daan sa Charter Change—Ako Bicol Party List

Iyan ay matapos isulong ni Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Lunes, Enero 15, ang Senate Resolution of Both Houses No. 6, na nagpapanukalang amyendahan ang Artikulo XII, XIV and XVI ng Saligang Batas.

Una nang inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Senado, sa pamumuno ni Zubiri, na pangunahan ang mga diskusyon hinggil sa pag-amyenda ng mga probisyon sa Saligang Batas na may kinalaman sa ekonomiya.

Nakatakda na ring gumawa ng subcommittee ang Senado na pamumunuan naman ni Sen. Sonny Angara para talakayin ang mga panukalang pagbabago.