Simpleng tao lang? Risa Hontiveros nabisto 16 kotse ni Alice Guo

Pinagdudahan ni Senadora Risa Hontiveros ang umano'y simpleng buhay ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Pinagdudahan ni Senadora Risa Hontiveros ang umano’y simpleng buhay ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa pagdinig sa Senado noong Miyerkoles, pinakita ni Hontiveros ang ebidensya na abot sa 16 na sasakyan ang nakarehistro sa pangalan ni Guo.

Ilan dito ay mga mula sa mga luxury brand tulad ng Ford at BMW.

Paliwanag ni Guo, ang mga kotseng nakapangalan sa kanya ay bahagi umano ng kanyang negosyo na Westcars.

“Hindi ko na po sila assets, especially iyong sa Baofu po, nag-divest na ako noong 2021. Iyong sa Ford Expedition po, nabenta ko po siya noong 2020. Kaya ko po siya naalala dahil po nakita po siya sa loob ng Baofu compound,” paliwanag ni Guo.

“Doon sa Land Cruiser po, wala na rin po sa akin. Honda po, wala po akong maalala na mayroon po akong Honda… Buy and sell po ng kotse po kasi iyong negosyo din po doon sa Westcars kaya may umiikot lang po na sasakyan,” aniya pa.

Kinontra rin ng alkalde ang kumalat na larawan at article kung saan nagmamay-ari umano siya ng McLaren 620R na nagkakahalaga ng P33M.

Giit ni Guo, pinahiram lang umano sa kanya ang kotse para sa isang car show.