Sila nanaman? Chinese nationals na sangkot sa cybersex, tiklo sa Iloilo City

Himas rehas ngayon ang 17 Chinese nationals sa Iloilo City dahil umano sa kanilang cybersex operation.

Arestado ang 17 Chinese nationals sa Iloilo City dahil sangkot sila diumano sa isang cybersex operation.

Naaresto ang mga suspek ng Iloilo City police sa isang compound sa Brgy. Balantang sa Jaro, Iloilo City nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 4.

Paliwanag ni Iloilo City Police Office (ICPO) Intelligence Unit head Lt. Col. Antonio Benitez, anim na buwan nang naninirahan ang mga Chinese nationals sa Iloilo, kung saan ginagawa nila ang kanilang iligal na operasyon.

Nasakote ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang 24 na computer, 49 na cellphones, and iba’t ibang SIM cards.

Dagdag pa ni Benitez, may mga video rin ng mga hubad na lalaki at babae sa mga nakuhang computer.