Siklista patay nang sumemplang sa CamSur

Patay ang isang lalaki nang tumilapon ito mula sa kanyang sinasakyang bisikleta sa Barangay Dalupaon, Pasacao, Camarines Sur.

Patay ang isang lalaki nang tumilapon ito mula sa kanyang sinasakyang bisikleta sa Barangay Dalupaon, Pasacao, Camarines Sur.

Ayon sa ulat, pauwi na ng kanyang tahanan ang lalaki nang dumaan ito sa kurbadang kalsada ng naturang barangay.

Bukod sa kurbada, palusong rin umano ang tinatahak na direksyon ng siklista. Nawalan umano ito ng kontrol hanggang sa tumilapon ng halos limang metro mula sa kanyang bisikleta.

Ayon sa isang opisyal ng barangay, talamak na ang aksidente sa naturang bahagi ng kalsada.

Kaya naman, humingi na sila ng tulong sa Department of Public Works and Highways upang malagyan ng mga karatula at babala ang naturang kalsada.