Siguradong maaasahan: France tutulungan ang PH sa food security

Makakaasa ang Pilipinas na magiging reliable partner nito ang France sa maraming bagay, kabilang na ang food security.

Laging handang tumulong ang France sa Pilipinas, lalo na pagdating sa food security.

Sa katunayan, kasama ang mga representante nito nang ilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Food Stamp Program, na layon tulungan ang mga maralitang pamilya na makakuha ng mga masustansiyang pagkain.

Dito tiniyak ng France ang patuloy nitong pakikipagtulungan sa Pilipinas, habang pinapurhian ni French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel ang mga hakbanging ng pamahalaan kontra kagutuman.

“France stands shoulder to shoulder with the Philippines in a number of areas,” ani Fontanel. “On all these issues, as President Emmanuel Macron recently conveyed to President Ferdinand R. Marcos Jr., France has been there, wants to be there and will always be there, it is our way to see the partnership between our two countries,” she said.

Kaugnay nito, tutulungan ng France na pagyabungin pa ang dairy industry ng Pilipinas at magbibigay ng mga kagamitang kailangan.

“With France you can count on a reliable partner, an all weather-partner,” dagdag pa ng French ambassador.