Sige, papputok pa kayo! Pinakabagong biktima ng paputok sa Central Luzon, naging bingi matapos mapinsala ang tainga—DOH

Simula Disyembre 21 hanggang 29 ay 96 na fireworks-related injuries na ang naitatala ng DOH, kabilang ang isa kung saan humina ang pagdinig ng pasyente.

Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Disyembre 29, na maaaring magdulot ng pinsala sa tainga o pagkabingi ang mga malalakas na paputok.

Ito ay matapos makapagtala ang DOH ng isang kaso kung saan humina ang pagdinig ng isang 23-anyos na babae sa Gitnang Luzon dahil sa tuloy-tuloy na pagputok ng kwitis.

“Fireworks can lead to hearing loss. Firework explosions result in sound levels of 140–150 decibels (dB), which can lead to pain and ear injury after exposure,” paliwanag ng DOH sa isang advisory.

“For comparison, the sound of a normal conversation is around 60 dB; the sound of a motorcycle is 95 dB; sirens are at 120 dB. Loud noises above 120 dB can cause immediate harm to ears,” dagdag pa nito.

Kanya naman nirekomenda ng DOH ang paggamit ng earplugs sa kasagsagan ng malalakas na putukan upang maiwasan ang aberya.

“Watching community fireworks displays from a safe distance is still the best. If you cannot avoid exposure to fireworks and their loud sounds, use hearing protection like earplugs or earmuffs,” ayon sa parehong advisory.

Simula Disyembre 21 hanggang 29 ay 96 na fireworks-related injuries na ang naitatala ng DOH.