Sigaw ng mga bakasyonista? Kennon Road, pinabubuksan na ng ilang grupo para maibsan ang trapik paakyat ng “Summer Capital” ng bansa

Sinarado ang Kennon Road para bigyang daan ang rehabilitasyon at pagsasa-ayos nito ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Subalit binubuksan rin ito tuwing may mga espesyal na kaganapan sa Baguio City upang lumuwang ang trapiko sa iba pang daan patungong sa City of Pines.

Nais ng iba’t ibang grupo na buksan na muli ang Kennon Road upang maibsan ang lumalalang trapik paakyat sa Baguio City.

Nagpasa na ng resolusyon ang Metropolitan Baguio City, La Trinidad, Itogon, Sablan, Tuba and Tublay Development Authority (MBLISTTDA) at Baguio City Peace and Order Council na nirerekomenda sa Inter-agency Task Force (IATF) Kennon ang pagbubukas ng pamosong daan.

“Traffic in the alternate routes is expected to worsen… when travel and tourist arrivals are at its peak,” paliwanag ng resolusyon.

Ang IATF Kennon ay nasa ilalim ng Office of Civil Defense at Department of Public Works and Highways at isa sa mga naatasang ayusin ang Kennon Road, na isa sa pangunahing daan papuntang Baguio City. Ito rin ang pinakamaigsing ruta pa-Baguio mula Rosario, La Union.

Matagal nang sinarado ang Kennon Road para bigyang daan ang rehabilitasyon nito. Subalit binubuksan rin ito tuwing may mga espesyal na kaganapan sa Baguio City upang lumuwang ang trapiko sa iba pang daan papanik sa City of Pines.