Sigaw ng madlang pipol! Panahon na repasuhin ang saligang batas; mambabatas, nanawagan ng suporta mula sa buong Kongreso

Una nang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na isusulong nito sa Kamara ang pagbabago sa saligang batas, lalo na kung ang mga pagbabago ay may kinalaman sa ekonomiya.

Hinimok ni Senador Robin Padilla ang publiko na suportahan ang pagbabago sa 1987 Constitution sa pamamagitan ng isang people’s initiave.

“The time is ripe to amend the 1987 Constitution—including through a people’s initiative—so long as this is truly from the people,” saad ni Padilla sa isang pahayag.

Una nang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na isusulong nito sa Kamara ang pagbabago sa saligang batas, lalo na kung ang mga pagbabago ay may kinalaman sa ekonomiya.

BASAHIN RIN: Cha-cha muling aarangkada! Kamara, nais amyendahan ang konstitusyon — Romualdez

Bilang chairman ng Senate committee constitutional amendments and revision of codes, sinubukan na ring isulong ni Padilla ang Charter change (Cha-cha) sa Senado sa pamamagitan ng constituent assembly, subalit hindi ito umani ng suporta.

Ngayon, nananawagan si Padilla sa publiko na suportahan ang mga inisyatibo patungkol sa people’s iniative, na aniya’y “voice of God.”

“The voice of the people is the voice of God,” ani Padilla. “We must discuss people’s initiative thoroughly. Such a power of the people should not be twisted by some politicians to suit their ambition.”